ang idol ko sa kaadikan

dahil idol ko si ji at natuwa't natawa na naman ako sa nabasa kong message na pinost nya sa fs bulletin, iba-blog ko sya! sya nga nagsabi na pag sinasabi kong "iba-blog kita" para raw akong mananakit. na-gets mo ba o magulo ako? hindi, magulo ka lang. wehehe.

eto mga nabasa ko sa bulletin post nya na peborit ko:

Date: Thursday, 18 December, 2008 9:15 AM
Subject: dahil maaga sa office

...

> 6. The last thing you did?
> -- bili ng coffee
(lamko di to nakakatawa, wait there's more)
...

> 10. How's life?
> -- kaantok kaya nga nagkakape eh
(see? :D)

...

> 15. When was the last time you talked to your bestfriend?
> -- kagabi, ayaw naman paiyakin yung anak nya...
(di ko to gets, pwamis)

...

> 18. What will your wedding song/s be?
> -- gusto ko the groom sings Creep while im walking down the aisle...
>
> 19. Why is that?
> -- cos im so fukking special- eh, special child hahahaha

(pamatay hahaha. creep hahaha. kung di mo lam creep, search mo sa gugel. :P)

adik sa templates

oo, aminado akong adik ako sa templates. obyus ba. iba na naman template dito. nawala na ung girlalu at aso. (aro, nakalimutan ko i-print screen para sana may remembrance tulad nang dati. awww. maliban kasi sa adik ako, senti rin ako. oha.)

at maliban sa senti't adik ako, tamad din ako. kaya next time ko na lang papalitan ung kulay ng palatastas at feedjit ko. ok lang ba? kung di ok sayo, ok pa rin sakin, ok? wehehe. hayz. kakatamad. osha. babooshka muna.

***

pansin ko naka-15 posts ako nung september tas afterwards tigalawa na lang kada buwan. matumal ang benta ehehe. sige next time kokopyahin ko ibang convo naming kaadikan. ewan ko lang kelan ha. :D

nayayalala mo pa diskette?

ang hirap magdelete ng basura sa computer. sobra. di ko lam kung alin itatapon ko. senti ako eh. wehehe. di naman. kung tutuusin 120gb na hard disk ko.

ba't dati ok na tayo sa 3 1/2 floppy disk na 3mb lang ba ang laman? langya isang mp3 lang kasya hahaha. biruin mo yun. tas lahat ng assignment at project mo sa skul kasya dun dibuh. un ay noon. ngayon magdala ka ng diskette, baka tignan ka nang masama ng katabi mo eh. except nga lang kung nasa skul ka pa rin syempre.

tas noon kung di kasya sa diskette ung isesave mo, please insert disk ang sasabihin sayo ng matalino mong computer. e pano kaya ngayon kung magsave ka ng movie na sabihin na lang nating 700mb so divide mo un sa 3mb. ikaw na lang magdivide ah, mahina na ko sa math. (pero best in math ako nung hs. pwamis! ^^ nakakabobo ang pagtatarbawo i swear! haha) nwei, pano mo kaya save nun no? pls insert disk... save... pls insert disk... save... pls insert disk... save... ikaw na bahalang magcopy paste nyang "pls insert disk... save..." yan :D

dahil namimiss ako ni cey

oha, ang galing dibuh. special mention si cey. ngayon lang uli ako napadpad sa blog na ito. lam mo na, blog hop. hahaha. langya, sarili kong blog kelangan ko pang i-blog hop.

akording ke cey, rachel sa totoong buhay, dyan sa chatbox ko: "seryus k ata lately? bkit wl pang bgong post (ulit).. lam mo nmn eto peyborit kong blog mo ^-^" dated dec 2 pa pala ito, tignan mo na. nagkita na nga kami't lahat nung weekend tas meron pala syang mensahe dito. sino ang adik nun?

pero seriously (ahem ahem), mahirap din ang magpost dito no. kelangan din ng matinding powers. kala nyo ba madali tong ginagawa ko? hindi no. mahirap maging ikaw. i mean mahirap maging ako. i mean, pano ba to sasabihin... "it's difficult to be yourself." oha english un. ang ibig sabihin mahirap magpakatotoo. sa isang mundong pinipilit kang maging iba. oha. ang lalem dibuh, iahon mo ko. tulog na nga ko. sabi sayo, cey, magulo ka.

palimos

natawa ka naman kahit papano diba? enge 2 cents na lang kasi di pala pede piso sa paypal. kung wala kang paypal account, sige hihintayin ko yung 2 cents, basta balik ka ha. ^^