bakit nakakaantok sa science class?

nakaka-bad terp, ambagal ng net. kung kelan naisipan kong magbasa ng mga blogs kung san-san. kaya eto, magbablog na lang ako dito. 29 minutes na lang kasi uwian na. uu, nasa tarbawo ako. ikaw?

***

inaantok din friend ko na nasa ibang company, ka-skype ko sya now. sabi ko untog nya ulo nya sa pader. un naman madalas na sagot diba? pero actually ginawa ko na yan dati. kaso di epektib masyadow kasi di ko pinakalakas ang hampas ng ulo ko sa pader. shemperds baka ma-injure ako no? anong tingin mo sakin, adik??? (wahahahahaha)

wag ka mag-alala, di ko na ginagawa un ngayon. actually isang beses ko lang naman ginawa. nung hs un, sa biology class. ewan ko ba ba't nakakaantok ang science class pag hapon no? ano bang meron nun?

oo, emo ako. anong paki mo?

wag kang mag-alala, kunwaring tarush lang yan. inaayos ko kasi ang mga lumang posts ko at nahagip ko tong mga to:

pamagat: haaaayyyy.... pag-ibig nga naman...
minsan ang hirap magmahal... minsan nga ba? kung tutuusin parating mahirap... pero masaya rin naman.. ang gulo no... ganun talaga pag in love... magulo... mahirap... masaya... masakit... masarap ang feeling din naman...

akala ko di na bago ang pag-ibig sa 'kin dahil naranasan ko na 'tong minsan. nagkamali ako... tulad ng iba pang pagkakamaling akala kong di ko na gagawin pa. ngayon, panibago na namang damdamin ang nadarama ko. di tulad ng sa naramdaman ko sa una kong pag-ibig (na naudlot) at sa una kong relasyon (na ngayon tapos na). parati palang bago... parating iba... sa bagay, iba naman kasing tao ang minamahal... kung mahal ngang maituturing...

wag kang mag-alala two years ago pa yan. eto pa o, saktong balentayms kasi noon.

pamagat: tinatamad ako
tinatamad ako... di ko lam kung dahil martes na ko pumasok o dahil lumilipad isip ko pabalik sa pampanga... if daydreaming is a sin, i guess i'm in hell already... wehehe... magmula pagbangon ko hanggang makatulog sa bus... paggising... pagdating sa opisina... pati sa pagkukwento kina lisa at chena... iisa lang ang pangalang namumutawi sa aking mga labi... pero di ko pwedeng sabihin... wehehe... sana magparamdam man lang sya... valentines naman a... busit... la syang load... la rin syang perang pang-load...

if daydreaming is a sin, i guess i'm in hell already...
kaya mo yun? pamatay no? hahaha. langyang buhay to.

palimos

natawa ka naman kahit papano diba? enge 2 cents na lang kasi di pala pede piso sa paypal. kung wala kang paypal account, sige hihintayin ko yung 2 cents, basta balik ka ha. ^^