Siklo

Parang kelan lang nung nakita kitang tinuturuan, di sigurado sa sarili sa mga binibigkas. Ngayon ikaw na ang huwaran at aking gabay. Ako na ang dating nasa iyong kinalalagyan.

maligong bagong taon!

di ko lam kung anong meron sa 2009 pero parang kumokornee ang mga tao.

Neri: alis ka na?
Nhut: hehe hindi pa..
Nhut: 5pm pa
Nhut: nag count down lang
Neri: hanuber
Neri: alis ka na
Neri: wag ka na magcountdown
Neri: (tawa)
Nhut: hahaha
Nhut: uyyy pinagtatabuyan moko
Nhut: hahaha
Nhut: san ako pupunta?
Nhut: hehe
Neri: sa kawalan?
Neri: (tawa uli)
Nhut: saan un?
Nhut: (tawa pa)
Neri: (tawa na naman)
Neri: wala naman siguro sya sa kameronan?
Neri: kornee
Neri: yak
Neri: (walang kamatayang tawa)
Nhut: haha kornek..
Nhut: (di ka pa pagod tumawa?)
Nhut: kameronan diaz?
Neri: waaah
Neri: (edi iyak naman)
Neri: hanuber ang bagong taon
Neri: naging kornets ang mga tao
Neri: parang nung tumingin kami sine sa sm

[cue flashback...]

manonood kaming barkada ng sine sa sm clark. shemperds alang choice kundi mga MMFF entries. napanood ko na tanging ina, si prick naman iskul bukol. so tingin kami movie sched.

Desperadas 2... 8:40 LMF 9:00 LFS...

Sang: Anong LMF?
Neri: Last full show to (turo sa LFS) so siguro...
Prick: E di Lunes Martes Friday
(tingin nang masama ke Prick)
Prick: Di ba? (nakangisi)
(tingin si Neri at Sang sa isa't isa)
Sang: (niyakap ang ibang kabarkada) Tara, friends, tayo na lang...

[back to the future]

Di ba? Anong meron sa 2009? Maligong Bagong Taon! :)

P.S. Onga pala, di kami natuloy nakapanood ng sine. Ba naman, after magmadaling kumain sa "libre" ni Prick (ibang kwento na to, tignan ko kung kaya ko pang ipost maya) at umakyat sa sinehan... nagbibilang na ng pera ang mga cashier. Tinry ko pang lumapit pero agad na kong sinabihan na "Wala na." Odiba basted ako. Pagtingin ko sa orasan: 9:04 na pala. Huhu. Parang ung lappy tappy story lang no? :D

ang idol ko sa kaadikan

dahil idol ko si ji at natuwa't natawa na naman ako sa nabasa kong message na pinost nya sa fs bulletin, iba-blog ko sya! sya nga nagsabi na pag sinasabi kong "iba-blog kita" para raw akong mananakit. na-gets mo ba o magulo ako? hindi, magulo ka lang. wehehe.

eto mga nabasa ko sa bulletin post nya na peborit ko:

Date: Thursday, 18 December, 2008 9:15 AM
Subject: dahil maaga sa office

...

> 6. The last thing you did?
> -- bili ng coffee
(lamko di to nakakatawa, wait there's more)
...

> 10. How's life?
> -- kaantok kaya nga nagkakape eh
(see? :D)

...

> 15. When was the last time you talked to your bestfriend?
> -- kagabi, ayaw naman paiyakin yung anak nya...
(di ko to gets, pwamis)

...

> 18. What will your wedding song/s be?
> -- gusto ko the groom sings Creep while im walking down the aisle...
>
> 19. Why is that?
> -- cos im so fukking special- eh, special child hahahaha

(pamatay hahaha. creep hahaha. kung di mo lam creep, search mo sa gugel. :P)

adik sa templates

oo, aminado akong adik ako sa templates. obyus ba. iba na naman template dito. nawala na ung girlalu at aso. (aro, nakalimutan ko i-print screen para sana may remembrance tulad nang dati. awww. maliban kasi sa adik ako, senti rin ako. oha.)

at maliban sa senti't adik ako, tamad din ako. kaya next time ko na lang papalitan ung kulay ng palatastas at feedjit ko. ok lang ba? kung di ok sayo, ok pa rin sakin, ok? wehehe. hayz. kakatamad. osha. babooshka muna.

***

pansin ko naka-15 posts ako nung september tas afterwards tigalawa na lang kada buwan. matumal ang benta ehehe. sige next time kokopyahin ko ibang convo naming kaadikan. ewan ko lang kelan ha. :D

nayayalala mo pa diskette?

ang hirap magdelete ng basura sa computer. sobra. di ko lam kung alin itatapon ko. senti ako eh. wehehe. di naman. kung tutuusin 120gb na hard disk ko.

ba't dati ok na tayo sa 3 1/2 floppy disk na 3mb lang ba ang laman? langya isang mp3 lang kasya hahaha. biruin mo yun. tas lahat ng assignment at project mo sa skul kasya dun dibuh. un ay noon. ngayon magdala ka ng diskette, baka tignan ka nang masama ng katabi mo eh. except nga lang kung nasa skul ka pa rin syempre.

tas noon kung di kasya sa diskette ung isesave mo, please insert disk ang sasabihin sayo ng matalino mong computer. e pano kaya ngayon kung magsave ka ng movie na sabihin na lang nating 700mb so divide mo un sa 3mb. ikaw na lang magdivide ah, mahina na ko sa math. (pero best in math ako nung hs. pwamis! ^^ nakakabobo ang pagtatarbawo i swear! haha) nwei, pano mo kaya save nun no? pls insert disk... save... pls insert disk... save... pls insert disk... save... ikaw na bahalang magcopy paste nyang "pls insert disk... save..." yan :D

palimos

natawa ka naman kahit papano diba? enge 2 cents na lang kasi di pala pede piso sa paypal. kung wala kang paypal account, sige hihintayin ko yung 2 cents, basta balik ka ha. ^^