nayayalala mo pa diskette?

ang hirap magdelete ng basura sa computer. sobra. di ko lam kung alin itatapon ko. senti ako eh. wehehe. di naman. kung tutuusin 120gb na hard disk ko.

ba't dati ok na tayo sa 3 1/2 floppy disk na 3mb lang ba ang laman? langya isang mp3 lang kasya hahaha. biruin mo yun. tas lahat ng assignment at project mo sa skul kasya dun dibuh. un ay noon. ngayon magdala ka ng diskette, baka tignan ka nang masama ng katabi mo eh. except nga lang kung nasa skul ka pa rin syempre.

tas noon kung di kasya sa diskette ung isesave mo, please insert disk ang sasabihin sayo ng matalino mong computer. e pano kaya ngayon kung magsave ka ng movie na sabihin na lang nating 700mb so divide mo un sa 3mb. ikaw na lang magdivide ah, mahina na ko sa math. (pero best in math ako nung hs. pwamis! ^^ nakakabobo ang pagtatarbawo i swear! haha) nwei, pano mo kaya save nun no? pls insert disk... save... pls insert disk... save... pls insert disk... save... ikaw na bahalang magcopy paste nyang "pls insert disk... save..." yan :D

palimos

natawa ka naman kahit papano diba? enge 2 cents na lang kasi di pala pede piso sa paypal. kung wala kang paypal account, sige hihintayin ko yung 2 cents, basta balik ka ha. ^^