di natin napapansin pero mahalaga ang "hehehe" sa buhay natin lalo na sa usapang ym. at maaaring gamitin sa iba't ibang pagkakataon.
1. pagtatapos ng usapan.
parang tuldok o period kumbaga ng isang pangungusap. halimbawa, dalawang nag-uusap:
adik1: tapos ayun natuloy nga yung balak. napadpad kami dun. hehehe.
adik2: ic. hehehe.
(kung wala nang maisip si adik1, di na sya magrereply at iko-close na ang window. gets na ni adik2 pag di na nagreply si adik1.)
2. paglipat ng topic ng usapan.
madalas ginagamitan ng "btw" (by the way) o "oo nga pala" matapos ang "hehehe."
(unahin naman natin si adik2.)
adik2: so pano pala kayo napunta dun?
adik1: simple lang, sinama kami ni adik3.
adik2: hehehe. onga pala musta na yung si adik3?
adik1: ok lang. hehehe.
3. bilang respeto sa isang di masyadong nakakatawang joke.
(isali naman natin si adik3.)
adik3: anong tawag sa opisina ng mga isda?
adik1: mmm... (kunwaring mag-iisip) ano?
adik3: edi... o-fish! wahaha.
adik1: hehehe. (sabay kunot noo)
4. kapag walang maisagot na maayos.
adik2: ano nga bang difference ng integral sa differential calculus?
adik3: hehehe... ano nga ba?
5. kapag di ka-close ang kausap.
dinadagdagan ng "ok lang" pag kinakailangan. halimbawa, kayo lang ng boss mo ang naiwan sa pantry at bigla ka nyang kinausap habang kumukuha ka ng tubig sa dispenser.
boss: musta naman trabaho natin, adik?
adik: ok lang po hehehe.
boss: (naging sentimental bigla) naaalala ko nung nag-uumpisa pa ako nun, ganyan din hitsura ko.
adik: hehehe. (pilit na ngisi)
sa ngayon, ito pa lang ang alam ko lang na pinaggagamitan ng "hehehe." kung may alam pa kayo ay marapat namang ibahagi ninyo rito para sa ating dagdag kaalaman. hehehe. ^^
VF Four Season Hotel
-
VF Four Season Hotel Aniceto Gueco Street, Pampanga Standard Suite with
Jacuzzi Suite Deluxe Duplex Apartment Standard Executive 1-Bedroom Photo
credits ...
7 taon ang nakalipas
0 tumabi:
Mag-post ng isang Komento