di naman ako kumakain sa harap nito kasi di kasya sa maliit kong mesa ang pagkain. tsaka ang nakapagtataka, sa ilalim sumusuot ang langgam. (naisip ko tuloy pano sila nakakasiksik sa ilalim na di sila nadadaganan. pero ibang post na un.) banda malapit sa fan at battery sila sumusuot. di naman ung extended battery ang nilalanggam dahil tinanggal ko na at di naman nilalanggam.
ang hinala ko ay ang nagsumiksik na gamu-gamo nung mga nakaraang buwan. (di ko mawari kung ano talaga syang insekto, basta ung mahilig lumipad sa tapat ng ilaw at tinatapatan mo ng batya ng tubig para bumagsak. magnetic kaya tubig sa kanila? XD)
kaso antagal na niyang sumiksik at ilang linggo na ring nilalanggam ang laptop. di pa ba nila nauubos nyan kung namatay man ung gamu-gamo? tas ang malala nung isang gabi, may isa pang gamu-gamong nag-dive sa keyboard. ni di ko man nahawakan, shoot sya agad sa siwang ng mga letra. huhuhu.
kaya ang tanong ko sayo: masisira ba laptop ko nyan? wehehe. wag ka mag-alala, papatingin ko na rin nitong sabado sa technician.
*update - 9/26*
nagresearch ako sa net at nalamang MAKAKASIRA NGA NG LAPTOP ANG MGA LANGGAM. waaaahhh!!!! pero kagabi ala namang langgam. binag ko muna si lappy tappy after ko sya gamitin. sana di pa nakain ng mga langgam ang hard disk at wala pang namumugad dun. huhuhu.
0 tumabi:
Mag-post ng isang Komento