Inquirer

nadatnan ko si monmon na nagbabasa ng inquirer sa ministop. wala na kong maupuan dahil puno na ang stools sa ministop at tinanong ko sya kung san kami maghihintay ng iba pa naming kasama. nang biglang lumapit ang isang crew ng ministop samin at kinausap si monmon...

neri: (medyo lumayo in case magkagulo)
crew: sayo ba yang binabasa mo? (sabay turo sa inquirer na hawak ni monmon)
mon2: hindi.
crew: bawal kasing basahin ang dyaryo kung di bibilhin.
mon2: ah ganun ba. sige. (at pumila sa counter.)
neri: (lumapit na ke monmon) ano sabi sayo?
mon2: tinanong kung sakin to, sabi ko hindi.
neri: e ba't naman kasi binabasa mo di mo naman pala binili.
mon2: e matagal ko nang ginagawa kaya to dito.
neri: ayan kasi hehehe.

matapos mabili ni monmon ang inquirer, lumabas na kami at pumunta sa tapat ng mr. donut kung saan kami tumambay ng di bumibili bago kami lumipat ng ministop. pakana na naman ni monmon tong kalokohang umupo lang sa loob ng mr. donut at di bibili. (tas binaligtad ako after. ano buh? >.<)

mon2: ner, bilhin mo na tong inquirer. nabili ko ng 23, bente na lang sayo.
neri: ano ba? binili mo tas bebenta mo sakin.
mon2: sige na, ner, bilhin mo na. bente lang.
neri: yoko nga, aanhin ko yan. ikaw nga bumili diba.
mon2: sige na, ner. ner naman ba't kaya ayaw pa bilhin.
neri: ba't mo ba pinipilit na bilhin ko? e di nga ko mahilig magbasa ng dyaryo.
mon2: bilhin mo na. para makabili ako ng bulletin. bulletin kasi dapat bibilhin ko e.
neri: adik, binasa mo't binili tas bulletin kelangan mo???

1 tumabi:

si Juan at si Tok ayon kay ...

whehehehe, natawa ako dito...

palimos

natawa ka naman kahit papano diba? enge 2 cents na lang kasi di pala pede piso sa paypal. kung wala kang paypal account, sige hihintayin ko yung 2 cents, basta balik ka ha. ^^