“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

dahil tinatamad ako magtarbawo dahil dapat walang pasok ngayon, babahaginan ko na lang kayo ng mga bob ong quotes na sinagot ko sa email.

read and ponder. (hano daw?)

***

"kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit."
- onga naman. nakakasakit ka, nakakasakit ka!! (ner, maghunusdili ka)

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
- panalo!

” Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
- opo :(

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
- huhuhu. ba't ang saklap?!!!

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
- ahem ahem ahem dyan

"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.... Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
- tagos :S

"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
- huhuhu. enge tissue pls.

"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
- sori, masokistang sadista ako e ^^

"Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."
- kaya pala parati akong napipilay.

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
- onga naman.

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
- pano pag baligtad? ang saklap saklap naman talaga oo

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
- e pano kung nabigla ka kaya mo nabitawan? pede pa bang pulutin? unahan kasi ng pagpulot XD

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
- kaso di ko naman alam kung mabibitawan ko nga.

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
- ehe. edi di ko na lang hahawakan, papahawak na lang ako wahaha

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
- pano kasi sa 28th floor ako pupunta. pede naman maghintay ng time diba? :D

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
- hmmm... pano ba lumandi? XD

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
- kaso pano kung mahigit isang taon syang nauna? :'(

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
- hmmm.. pede kayang ipagpalit mga pwesto?

Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
- sige na nga XD

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."
- onga, tulad ng bf hahaha

***

pero eto ang mga makabagbag-damdamin na words of wisdom mula ke master BO.

"hindi lahat ng di kaya mong intindihin ay kasinungalingan at hindi rin lahat ng mga bagay na kaya mong intindihin ay katotohanan"

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"mangarap ka at abutin mo 'to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

***

Bravo! *plak plak plak plak plak*

merienda ka muna habang wala ako

dahil matagal na kong di nag-aadik dito, etong dalanghita para may mangasab ka naman.

warning: repost lang ito mula sa isang magsasa-travel blog ko dati na malapit ko nang gunawin.



***







Kagabi, habang nagkukuwentuhan sa apartment namin (sa Boni Ave., Mandaluyong City), nilabas ni Nhut ang dalanghitang ito dahil sinisipon siya. (Balak niyang singhutin. Joke.)



Naitanong ko kung galing sa kagubatan nina Nhut ang dalanghita. (Andami kasing gulay at prutas kina Nhut sa bahay nila sa Calulut, City of San Fernando, Pampanga!)



Sabi niya hindi raw. Dala ng Kuya niya galing Pangasinan.



O di ba, andami nang napuntahan ng dalanghitang ito: Pangasinan, Pampanga, Manila. Muntikan pa nga naming papuntahin sa Baguio para maka-round trip sa Luzon. XP



***



originally posted on Wednesday, August 29, 2007. wapak!

quits

tagal ko ng di nagpopost dito, inaamag na ang blog. andyan ka pa? ^^

nakwento ko na ung pustahan namin ni opismeyt sa sumbong sumbong. pero alam mo ba nangyari? kung di ka naging attentive sa bubble gang last friday... (tulad ni opismeyt na nakalimutan ang pustahan at nanood ng horror movie)...

PAREHO KAMING TAMA'T MALI! how is dat?!!

dun sa tv ni bongbong, isang "bonggang" lang ang nakalagay. teaser pa nga lang nalungkot na ko pero shemperds kelangang mabuhayan ang pag-asa. hinintay ko pa rin ang segment at lo and behold... sa opening remarks ni bongbong, dalawa ang "bonggang"! syempre kelangan kong siguraduhin kaya pinakinggan kong mabuti ung closing remarks nya. dalawa pa rin! wahaha. bigla kong text si opismeyt. QUITS! hahaha.

pers taym ko na ngang makipagpustahan ng malaki tas quits pa rin. di kasi ako mahilig sa pustahan.

huli kong try sa pustahan sa dati kong opisina. naalala mo pa ung hatol ke erap kung guilty or not guilty? pustahan kami sa opisina with matching excel spreadsheet pa para may computation yung mga panalo. pati nga boss namin nakisali. tas ano decision? guilty and not guilty! watda?!! kasi pala dalawa ung kaso nya, plunder tsaka ano nga kasi ung isa? guilty sya sa plunder diba. pero not guilty sya dun sa isa. so quits na naman. sayang, malaki rin ang pot nun kasi dami pumusta kahit tig-sampung piso o bente lang. ^^

ano, pustahan tayo ipopost ko to? wahaha. XD

onga pala, di ko pa rin napapacheck ung laptop ko. dinala ko nung sabado sa makati, lumuwas pa ko mula pampanga. pagdating ko dun sa tindahan, nakasara for renovation. waaah! huhuhu.

palimos

natawa ka naman kahit papano diba? enge 2 cents na lang kasi di pala pede piso sa paypal. kung wala kang paypal account, sige hihintayin ko yung 2 cents, basta balik ka ha. ^^