malungkot ang buhay pag walang...

may unquotable quote na naman ako galing kay lexy:

"malungkot ang buhay pag alang drama."

huwaw. parang nagcontradict un pero sige na nga. ^^

pede rin kayang... malungkot ang buhay pag alang comedy? :D

basta ako, malungkot ang buhay pag ala ka... echos, hahaha.

sumbong sumbong kay bonggang bonggang bongbong

yan ang alam kong title ng segment ni bitoy sa bubble gang, kung san ginagaya ung mga tulfo brothers.

pero ang magaling kong kasamahan sa opisina ay tinutuligsa ako dahil sabi nya isang "bonggang" lang daw ang nasa title. nakipagpustahan pa ko.

tas kinwento nya na pinalitan na raw kasi. tinry naming isearch sa net pero magkakaiba rin ang nakalagay, may isa lang tulad nung sa kausap ko at may dalawang tulad ng pinaninindigan ko naman.

ngayon sinearch ko ang bubble gang sa net. ba't ba ala syang site o blog na para sa kanya lang? it's unfair! pinag-iisipan ko tuloy gawan. kaso matarbawo kasi un at andami ko ng blog. hehehe. isisingit ko na lang minsan dito.

si pareng wiki lang ang may buong istorya ng bubble gang. kaso syempre kulang kasi alang vids. pero nakakatuwa at nakakatawa pa rin pag nababasa ang listahan ng mga ginaya sa bubble gang noon at ngayon. biruin mo oct 1995 daw unang umere ang bubble gang. langya, kalahati na ng buhay ko andyan na sila. sana magtagal pa nga ang longest running gag show sa pinas. isa to sa mga idol ko sa kaadikan. kudos!

p.s. bad trip alang images ng sumbong sumbong. oo, baka matalo ako sa pustahan kung ibabase ke pareng wiki. pero sana ibalik nila mamaya sa dating title para may 200 ako. eehee. ^^

di kita malilimutan

maliban sa may nagresign sa'min at kanina'y pinapatugtog itong kantang 'to, (ba't kaya di na maalis sa isipan natin ang kamatayan pag kinakanta na ni basil 'to?) ito ay lovingly dedicated sa dati kong blog template na kakapalit kani-kanina lang. kumurap ka ba?

eto sya noon:


at syempre, kita mo naman sya ngayon. salamat sa aking paboritong tambayan ng templates.

o sya, kitakits na lang uli. nanonood pa ko survivor e. ;)

masisira ba ang laptop pag nilanggam?

ilang linggo na ring nilalanggam ang laptop ko. di ko alam ang pinaka-dahilan kaya ngayon tinatanong na rin kita.

di naman ako kumakain sa harap nito kasi di kasya sa maliit kong mesa ang pagkain. tsaka ang nakapagtataka, sa ilalim sumusuot ang langgam. (naisip ko tuloy pano sila nakakasiksik sa ilalim na di sila nadadaganan. pero ibang post na un.) banda malapit sa fan at battery sila sumusuot. di naman ung extended battery ang nilalanggam dahil tinanggal ko na at di naman nilalanggam.

ang hinala ko ay ang nagsumiksik na gamu-gamo nung mga nakaraang buwan. (di ko mawari kung ano talaga syang insekto, basta ung mahilig lumipad sa tapat ng ilaw at tinatapatan mo ng batya ng tubig para bumagsak. magnetic kaya tubig sa kanila? XD)

kaso antagal na niyang sumiksik at ilang linggo na ring nilalanggam ang laptop. di pa ba nila nauubos nyan kung namatay man ung gamu-gamo? tas ang malala nung isang gabi, may isa pang gamu-gamong nag-dive sa keyboard. ni di ko man nahawakan, shoot sya agad sa siwang ng mga letra. huhuhu.

kaya ang tanong ko sayo: masisira ba laptop ko nyan? wehehe. wag ka mag-alala, papatingin ko na rin nitong sabado sa technician.

*update - 9/26*
nagresearch ako sa net at nalamang  MAKAKASIRA NGA NG LAPTOP ANG MGA LANGGAM. waaaahhh!!!! pero kagabi ala namang langgam. binag ko muna si lappy tappy after ko sya gamitin. sana di pa nakain ng mga langgam ang hard disk at wala pang namumugad dun. huhuhu. 

anong gagawin mo pag wala kang magawa?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
wala?

lalake pala ako

itong post na 'to ay lovingly dedicated ke idol kong adik na si ji. go, girl! hahaha.

jigirl: ikaw neriboi musta ka jan
jigirl: may ibibigay ako sayong adik na kwento kaninang breakfast lang
neriboi: okies, ibablog ko yan pag ok ah
neriboi: (hihihi na smiley)
jigirl: eto eto
jigirl: kse yung yaya nung pinsan ko andito tas nagpapaalam na sya, antagal na dahil chinichika pa hinatid ni mama shirley sa pinto
jigirl: tas another 15mins na yta inabot na naman
jigirl: magsasara lang ngpinto
jigirl: pero hindi yan ang adik
neriboi: hahaha ok
jigirl: ang adik dun, kami ni dadi natira sa breakfast tas sabi ni dadi
jigirl: mga babae tlga ganyan, nsa pnto na nsa gate na hahabulin pa at magkwekwentuhan
jigirl: sabi hindi nmn ako ganun ah, edi lalake pala ako dadi??
jigirl: sabi ni dadi
jigirl: EWAN
jigirl: (nagpapakamatay sa tawang smiley)
neriboi: (nagpapakamatay sa tawang smiley)
neriboi: ba't di alam ng dadi mo?
neriboi: (nagpapakamatay sa tawang smiley)
neriboi: sige iblog natin yan
neriboi: (hahaha na smiley)
jigirl: indi nga sumagot
jigirl: ungas na yun
neriboi: (hahaha na smiley)
jigirl: wina one liner ako
jigirl: umakyat nko iniwan ko pagkain ko sa knya
neriboi: (nagpapakamatay sa tawang smiley)
jigirl: sabi ko, dadi oh oatmeal iyo na lang
jigirl: (hahaha na smiley)
jigirl: tas lam mo minsan inaway ko yan pano sa oto nagku curl lash ako, sabi ba naman, lam mo, lalaki lalo mata mo jan, isipn mo kung pano paliitin wag ganyan
jigirl: 78 na yan si dadi eh
jigirl: (ipin na smiley)
neriboi: hahaha
jigirl: adik db
neriboi: oo
neriboi: gets ko na ba't ganyan ka
neriboi: (nagpapakamatay sa tawang smiley)
jigirl: (nagpapakamatay sa tawang smiley)

mula sa nangungupas na cutex

heto na, heto na, heto na... waaahhh..

hahaha. prick, eto na't ibablog na kita! wahaha. di ka pedeng magfile ng libel suit dahil may pruweba ako sa usapang ito! wahaha uli. XD

matiwasay akong inaantok habang kausap sina prick at sang sa skype conf. (o ayan, anak, nablog kita kahit papano. wehehe.)


ner: niaantok ako
ner: (natutulog na smiley)
ner: (humihikab na smiley)
ner: (natutulog na smiley uli)
prick: (smileyng inuuntog ang sarili sa pader) para di antukin
prick: hahaha
ner: wala rin yan sakin e
ner: tinry ko yan nung hs (hihihi na smiley)
ner: sa biology :D
prick: kuha ka ng martilyo
prick: para mas effective
prick: (hahaha na smiley)
ner: sige try mo muna
ner: pano mo nasabing effective (belat na smiley)
prick: indi nako inaantok e
prick: sa tingin ko lng kc kung cocomputin mo ung Force gamit martilyo
ner: ilang joules ba kelangan? (langya umabot kami sa physics)
prick: palagay ko mas malakas nun
ner: o ohms?
ner: argh [niaantok na nga ko, scientific pa usapan]
prick: alam ko mga 2 dynes [odiba kabisado ni prick kuno]
prick: convert mo na lng sa joules
ner: antuk na ko
ner: ikaw na convert
ner: tas kuha tayo martillo (hahaha na smiley) [fyi, si prick nasa japan. ako dito pampanga.]
prick: kaw na para umandar mga neurons mo sa ulo
ner: di na nga umaandar
ner: tumirik sila (hahaha na smiley)
prick: hahaha
prick: apply ka ng electric current [talagang matulungin at sweet tong kaibigan ko]
ner: ba't ganito cutex* ko, nangungupas ata (hahaha na smiley) [talbugan mo yang segue ko hahaha. ginawa ko pang maong mga kuko ko tuloy. XD]
prick: mali cguru ung chemical solution mo [ece si prick alam ko, hindi scientist]
ner: sa cutex?
ner: ba't alam mo? nagcucutex ka no? (hahaha na smiley)
prick: try mo ibalance ung mixture
prick: nagpapacutex ako pag meron kasal sa paa
prick: (belat na smiley)

sa bandang to, di ko agad napansin ang sinabi ni prick dahil pinapalitan ko ang chat topic to "si prick nagcucutex." nang mabasa ko ang kawindang-windang na rebelasyon...

ner: ano? kasal sa paa (nagpapakamatay sa tawang smiley)
prick: ung colorless [may gana pang sumagot]
prick: (belat na smiley)
ner: langya kinakasal na pala paa
ner: (nagpapakamatay sa tawang smiley) [di ako maka-get over talaga]
sang: try mo french tip... maganda daw [di na ko nag-side comment na french tip kung colorless? wehehe]
prick: anu nmn un
ner: ibablog na kita
ner: (hahaha na smiley)
ner: kasal sa paa
prick: momoinks [di ko lam sa tagalog ang momoinks. baka tangeks. ;)]
ner: and now i thee wed foot to foot

ang mga sumunod na usapan ay tungkol sa pagpipilit ke prick na ibablog ko sya at ang matinding pag-ayaw nya. as if may magagawa sya. obvious ba? wahaha XD

o wag mong kalimutan ha. baka invited ka sa kasal e. ;)

*cutex - nail polish sa ingles. ano ba sa tagalog? basta bata pa kasi ako, tawag dyan cutex. tas nalaman ko na lang paglaki ko, tatak pala yan ng nail polish. parang colgate sa toothpaste diba? ^^

Para San Pa ang Pulis...

ner1: sorry, tao lang.
mon2: para san pa ang pulis kung pwedeng magsorry? (medyo inis pa)

pamatay! ^_~

well, that's life

pansin ko halos pang-ym ang pinopost ko dito. kaya para maiba naman...

usapang ym uli tayo! ^^ (kulog at kidlat mula ke bagyong marce na btw ay 7kph ang bilis. huwaw! simbilis ng batang tumatakbo. eehee ^^)

nung bday ni mama, nagkachat kami ni lex.

lex (8/30/2008 10:33:21 PM): ner! dont tell me nasa office ka pa till now

yan ang opening ng chat namin. syempre ala na ko sa office at tumatambay online dito sa bahay. marami kaming napag-usapan ni lex hanggang umabot sa...

lex (8/31/2008 12:08:02 AM): uo... well .thats life
ner (8/31/2008 12:08:05 AM): yuh
ner (8/31/2008 12:08:12 AM): sabi ko nga sa kanya, wag na nya isipin un
ner (8/31/2008 12:08:16 AM): we're here naman e
lex (8/31/2008 12:08:21 AM): ganyan ang buhay... parang gabun... [gabun is lupa in tagalog. socialness the english ~.^]
ner (8/31/2008 12:08:24 AM): hahaha
ner (8/31/2008 12:08:28 AM): ba't gabun?
lex (8/31/2008 12:08:29 AM): ahahahah
lex (8/31/2008 12:08:40 AM): minsan nagiging putik dahil sa tubig
ner (8/31/2008 12:08:44 AM): (hahaha na smiley)
lex (8/31/2008 12:08:48 AM): minsan maalikabok dahil dry
lex (8/31/2008 12:08:54 AM): oh da buh
ner (8/31/2008 12:08:57 AM): ang ganda ng philosophy mo lex
ner (8/31/2008 12:08:59 AM): (nagpapakamatay sa tawang smiley)
lex (8/31/2008 12:09:02 AM): o syempre
ner (8/31/2008 12:09:03 AM): naantig ako
ner (8/31/2008 12:09:04 AM): (hahaha na smiley)
lex (8/31/2008 12:09:10 AM): akoy dakila
ner (8/31/2008 12:09:13 AM): yuh
ner (8/31/2008 12:09:14 AM): hahaha
lex (8/31/2008 12:09:15 AM): ahahahahaha
ner (8/31/2008 12:09:16 AM): iblog nga kita
ner (8/31/2008 12:09:17 AM): (hahaha na smiley)
ner (8/31/2008 12:09:26 AM): Alexander the Great diba?

at yan ang kwento ni lex kaya andito sya ngayon sa adik kong blog.

at kung di mo napansin mula sa unang chat nya sakin hanggang dyan sa huling excerpt ko, nagpalit na ng petsa! hahaha. eto ang timestamp ng huling sentence sa chat namin...

ner (8/31/2008 12:22:30 AM): baboosh

5 gamit ng "hehehe" sa buhay ng tao

di natin napapansin pero mahalaga ang "hehehe" sa buhay natin lalo na sa usapang ym. at maaaring gamitin sa iba't ibang pagkakataon.

1. pagtatapos ng usapan.

parang tuldok o period kumbaga ng isang pangungusap. halimbawa, dalawang nag-uusap:

adik1: tapos ayun natuloy nga yung balak. napadpad kami dun. hehehe.
adik2: ic. hehehe.

(kung wala nang maisip si adik1, di na sya magrereply at iko-close na ang window. gets na ni adik2 pag di na nagreply si adik1.)

2. paglipat ng topic ng usapan.

madalas ginagamitan ng "btw" (by the way) o "oo nga pala" matapos ang "hehehe."

(unahin naman natin si adik2.)
adik2: so pano pala kayo napunta dun?
adik1: simple lang, sinama kami ni adik3.
adik2: hehehe. onga pala musta na yung si adik3?
adik1: ok lang. hehehe.

3. bilang respeto sa isang di masyadong nakakatawang joke.

(isali naman natin si adik3.)
adik3: anong tawag sa opisina ng mga isda?
adik1: mmm... (kunwaring mag-iisip) ano?
adik3: edi... o-fish! wahaha.
adik1: hehehe. (sabay kunot noo)

4. kapag walang maisagot na maayos.

adik2: ano nga bang difference ng integral sa differential calculus?
adik3: hehehe... ano nga ba?

5. kapag di ka-close ang kausap.

dinadagdagan ng "ok lang" pag kinakailangan. halimbawa, kayo lang ng boss mo ang naiwan sa pantry at bigla ka nyang kinausap habang kumukuha ka ng tubig sa dispenser.

boss: musta naman trabaho natin, adik?
adik: ok lang po hehehe.
boss: (naging sentimental bigla) naaalala ko nung nag-uumpisa pa ako nun, ganyan din hitsura ko.
adik: hehehe. (pilit na ngisi)

sa ngayon, ito pa lang ang alam ko lang na pinaggagamitan ng "hehehe." kung may alam pa kayo ay marapat namang ibahagi ninyo rito para sa ating dagdag kaalaman. hehehe. ^^

baka chinese

kwentong ym uli. nagkukwentuhan kami ni lisa kagabi tungkol sa escapades namin nung oktoberfest nang biglang sinabi nyang...

lisa: yun na ng yung dun

na-gets mo ba? ako kasi hindi. pero baka mas ma-gets mo kung bigay ko ung parte ng usapan kung san nanggaling yang pangungusap na yan...

lisa: sabi nmin kung hindi na pwede pumasok [sa venue ng oktoberfest]
lisa: mas ok yung unang pinwestuhan nmin ni ji
lisa: yun na ng yung dun
neri: anong sentence yan?
neri: yun na ng yung dun
neri: (nagpapakamatay sa tawang smiley)
lisa: yung place natin na maraming emo

o ano, nagets mo ba? ako, hindi pa rin. hahaha. explain mo nga sakin.

mga tunay na pagkatao

gandang umaga sayo! sana'y mas maganda ka naman sa umaga. ^^

normal na sakin ang komunikasyon sa pamamagitan ng ym (yahoo messenger) dahil ang mga kaibigan ko ay nasa iba't ibang lugar... sa angeles, san fernando, guagua, manila, japan, singapore... o diba palayo nang palayo. sana balang araw umabot sa outer space. (kornee kornets XD)

pero nakakabigla ang mga ganitong usapan kapag nagsisiwalat sila ng kanilang tunay na pagkatao...

***

gabing-gabi na nang nagcha-chat kami ni nut nang...

nut: ner unan ako
ner: unan ka pala, nut (nagpapakamatay sa tawang smiley)
ner: kaya pala...
nut: hahaha, adik. ibig kong sabihin una na ko, ner.
ner: wag ka nang magpalusot, nut. aminin mo na.
ner: tanggap naman kita bilang unan.


***

mahigit isang oras na kaming nagcha-chat ni cey nang...

cey: mag 5pm na.. worm muna ako
cey: hihihi
ner: worm?
ner: bulate ka?
ner: (hihihi na smiley)
cey: (hahaha na smiley)
cey: work
ner: pag 5pm pala worm ka
ner: ang galing

***

in short, may kaibigan akong unan at bulate. ikaw, ano ka? XD

Inquirer

nadatnan ko si monmon na nagbabasa ng inquirer sa ministop. wala na kong maupuan dahil puno na ang stools sa ministop at tinanong ko sya kung san kami maghihintay ng iba pa naming kasama. nang biglang lumapit ang isang crew ng ministop samin at kinausap si monmon...

neri: (medyo lumayo in case magkagulo)
crew: sayo ba yang binabasa mo? (sabay turo sa inquirer na hawak ni monmon)
mon2: hindi.
crew: bawal kasing basahin ang dyaryo kung di bibilhin.
mon2: ah ganun ba. sige. (at pumila sa counter.)
neri: (lumapit na ke monmon) ano sabi sayo?
mon2: tinanong kung sakin to, sabi ko hindi.
neri: e ba't naman kasi binabasa mo di mo naman pala binili.
mon2: e matagal ko nang ginagawa kaya to dito.
neri: ayan kasi hehehe.

matapos mabili ni monmon ang inquirer, lumabas na kami at pumunta sa tapat ng mr. donut kung saan kami tumambay ng di bumibili bago kami lumipat ng ministop. pakana na naman ni monmon tong kalokohang umupo lang sa loob ng mr. donut at di bibili. (tas binaligtad ako after. ano buh? >.<)

mon2: ner, bilhin mo na tong inquirer. nabili ko ng 23, bente na lang sayo.
neri: ano ba? binili mo tas bebenta mo sakin.
mon2: sige na, ner, bilhin mo na. bente lang.
neri: yoko nga, aanhin ko yan. ikaw nga bumili diba.
mon2: sige na, ner. ner naman ba't kaya ayaw pa bilhin.
neri: ba't mo ba pinipilit na bilhin ko? e di nga ko mahilig magbasa ng dyaryo.
mon2: bilhin mo na. para makabili ako ng bulletin. bulletin kasi dapat bibilhin ko e.
neri: adik, binasa mo't binili tas bulletin kelangan mo???

wanted: adik na template

currently, i'm looking for...

ba't ba ko nag-iingles... nasanay kasi sa iba kong blogs. XD

nwei, di ba nananakit mata mo sa oreinj na oreinj na template na to? ito pa lang kasi nakita kong mejo adik na template. actually si mr. pusa sa taas lang ang mukhang adik diba?

kung may alam kang mas adik pang template kesa rito, itaas mo ang iyong kamay at iwagayway! ipaalam mo sa'kin, okies? ;)

bakit september 4 ang una kong post

... kasi september 3 kahapon
at september 5 bukas... oktoberfest! 

palimos

natawa ka naman kahit papano diba? enge 2 cents na lang kasi di pala pede piso sa paypal. kung wala kang paypal account, sige hihintayin ko yung 2 cents, basta balik ka ha. ^^